Filipino transferees mula sa Sabah pansamantalang namamalagi sa Zamboanga City
Personal na binisita ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mga Filipino transferees galing sa Sabah na namamalagi ngayon sa Processing Center for Displaced Persons (PDCP) sa Zamboanga City.
Kinumusta ng kalihim ang kalagayan ng mga Pinoy at inalam din ang kanilang mga pangangailangan.
Inalam din ng kalihim ang kanilang mga kwento para makatulong sa kanilang sitwasyon.
Patuloy na kinakalinga ng Processing Center for Displaced Persons (PCDP), na pinamumunuan ng DSWD Field Office IX ang mga Filipino transferees mula sa Sabah.
Nananatili din sa nasabing lugar ang iba pang mga locally-displaced na indibidwal, tulad ng mga biktima ng trafficking in persons, illegal recruitment na nangangailangan ng pansamantalang tirahan at emergency relief assistance. (DDC)