Technical experts mula Korean Coast Guard darating sa bansa para tumulong sa oil spill response
Paparating sa bansa ang mga tauhan ng Korean Coast Guard (KCG) para tumulong sa nagpapatuloy na oil spill response operations sa Oriental Mindoro.
Ang team ng KCG ay binubuo ng mga technical experts.
Nangako din ang Korean Government na magkakaloob ng oil spill response equipment, na kinabibilangan ng 20 tons ng sorbet pads at snares, 1,000 meters ng solid flotation curtain boom, at 2,000 sets of personal protective equipment (PPE).
Sa pahayag ng Embassy of the Republic of Korea, ito ang unang pagkakataon na aasiste ang Korea sa Pilipinas sa problemang may kaugnayan sa marine pollution.
Sinabi ng embahada na batid ng Korea ang kahalagahan na maibalik sa ormal ang mga lugar na naaapektuhan g mga environmental disasters at accidents. (DDC)