Pag-export ng saging at pinya sa New Zealand dadagdagan pa ayon sa DA

Pag-export ng saging at pinya sa New Zealand dadagdagan pa ayon sa DA

Mas tataasan pa ang pag-export ng Pilipinas ng saging at pinya patungong New Zealand.

Kamakailan, nakipagpulong si
Department of Agriculture (DA) Senior Undersecretary Domingo F. Panganiban sa mga kinatawan ng embahada ng New Zealand sa pangunguna ni Deputy Head of Mission Tim Given.

Sa nasabing pulong binanggit ni Panganiban ang layunin ng pamahalaan na dagdagan pa ang pag-export ng Cavendish bananas at pinya, thickeners, niyog at iba pang produkto.

Noong 2022, ang PH agriculture exports sa New Zealand ay umabot sa 34.9 million US dollars ang halaga.

Layon din ng pulong na paigtingin pa ang ugnayan ng dalawang bansa lalo na sa mga high value products, marine at aquaculture products, research and development, livelihood assistance sa mga magsasaka at iba pang inisyatiba na makatutulong sa agriculture sector. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *