Gun ban ipinatutupad sa buong Davao Region

Gun ban ipinatutupad sa buong Davao Region

Umiiral ang gun ban sa buong Davao Region para sa nalalapit na pagdaraos ng IRONMAN 70.3 Triathlon Race.

Sinuspinde ng Police Regional Office XI ang Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCOR 4 or PTC 4) sa buong Davao Region hanggang sa March 31.

Dahil dito, ang mga non-uniformed individuals na mayroong baril kahit kumpleto ang dokumento ay hindi puwedeng magbitbit ng armas sa labas ng kanilang tahanan.

Payo ni Davao City Police Office (DCPO) spokesperson PMaj Catherine Dela Rey sa mga residente, tumalima sa kautusan para maiwasang mahuli.

Tanging ang mga police officers, Armed Forces of the Philippines personnel, at miyembro ng iba pang law enforcement agencies na naka-duty at in uniform ang papayagang magdala ng armas.

Layon nitong maiwasan ang anumang firearm-related incidents sa idaraos na IRONMAN races.

Magtatalaga din ng checkpoints sa border areas Sa rehiyon.

Araw ng Huwebes, March 23 ang unang araw ng mga aktibidad para sa IRONMAN race. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *