NCRPO pinasinayaan ang unang Masjid sa Camp Bagong Diwa

NCRPO pinasinayaan ang unang Masjid sa Camp Bagong Diwa

Bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga Muslim sa paglilingkod sa bayan ay itinayo ang kauna-unahang Masjid sa loob ng Camp Bagong Diwa.

Pinangunahan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director, Major General Edgar Alan Okubo ang pagpapasinaya sa bagong RMFB Masjid (Worship Area) sa 7th Mobile Force Company Building, RMFB, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Dumalo rin sina BGen Tamondong,Col Jonathan G. Calixto, Force Commander, Regional Mobile Force Battalion; Maj Dioscoro D. Tayab Jr., Chief, Operation Section; Cpt Jul-Musa S. Saat, 7th MFC, Company Commander; at Maulana Mahdi Batua, ang Grand Imam ng Masjid As-Shafii.

Ang bagong tayo na sambahan ay para sa lahat ng mga kapatid na Muslim na mananalangin araw-araw.

Nabatid na ang naturang konstruksiyon ay bilang bahagi ng Philippine National Police na Revitalized KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan) at Internal Cleansing Program ng PNP.

“Handog po ng inyong pamunuan ang pook dalanginang ito upang mas mapayabong at mapaunlad ang inyong espirituwal na paniniwala. Hangad din natin na ang pag-ibig at ang mabuting halimbawa ng Maylalang ang siyang pagmulan ng inspirasyon nating lahat upang hindi tayo kailanman malihis ng landas o makagawa ng bagay na maaari nating pagsisisihan sa huli,” sabi ni MGen Okubo. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *