Status reports sa dry run ng Single Ticketing System, isinumite ng Metro LGUs
Nagbigay ng kani-kanilang status reports ang mga kinatawan ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila kaugnay ng single ticketing system dry run na nakatakdang simulan sa Abril.
Ilan sa mga napag-usapan ay ang update sa Memorandum of Agreement at data sharing agreement ng LGUs para sa nasabing sistema.
Bukod pa rito ang layout ng mga Ordinance Violation Receipt na lalagyan na ng paalala sa mga mahuhuling motorista na nagbibigay sa kanila ng 10 na araw para i-contest ang huli simula nang sila ay matiketan.
Nabanggit din ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes na i-eendorso ng MMDA ang mga concerns mula sa 8888 Citizens’ Complaint Hotline sa LGUs para sa mas maayos na koordinasyon. (Bhelle Gamboa)