Pag-atake ng NPA malapit sa paaralan sa Masbate kinondena ng DepEd
Kinondena ng Department of Education (DepEd) ang pag-atake ng mga rebelde malapit sa isang paaralan sa Masbate.
Ayon sa DepEd, ang ginawa ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA)ay nagdulot ng pagka-abala ng klase at trauma sa mga mag-aaral at school personnel.
Inatasan naman ng DepEd ang Regional Office V nito ay ang SDO Masbate na tiyaking ang learning continuity sa kabila ng insidente.
Ipinaubaya din sa school heads at principals ang pagpapasya kung magsasagawa muna ng blended learning.
Pinatitiyak ng DepEd na maipaprayoridad ang peace and order situation at ang mental health ng mga mag-aaral at school personnel.
Tiniyak din ng DepEd na nakikipag-ugnayan si The Vice President at DepEd Secretary Sara Z. Duterte sa Army Division Commander sa lugar para masiguro ang seguridad ng mga paaralan.
Nais din ng bise presidente na personal na bisitahin ang lugar matapos ang nangyari. (DDC)