Oath Taking at Roll Signing ng mga papasa sa 2022 Bar Exams itinakda na ng SC

Oath Taking at Roll Signing ng mga papasa sa 2022 Bar Exams itinakda na ng SC

Itinakda ng Korte Suprema sa May, 2, 2023 ang Oath Taking ceremony at Roll Signing para sa mga makakapasa sa 2022 Bar Examinations.

Ayon sa Office of the Bar Confidant, inilabas ng maaga ng petsa ng Oath Taking bago ang paglalabas ng resulta ng Bar Exams para masimulan na ang paghahanda.

Ang Oath Taking ay gaganapin sa May 2, 2023 sa PICC sa Pasay City, 10:00 ng umaga na susundan ng Roll Signing.

Ang suot ng mga manunumpa ay “proper court attire” at kailangan ding magdala ng kanilang sariling plain na itim na toga.

Business attire naman ang suot ng mga guests.

Inaasahang sa buwan ng Abril ipalalabas ng SC ang resulta ng 2022 Bar Examinations.

Noong Nov. 2022, umabot sa 9,183 na Bar Examinees ang nakakumpleto ng pagsusulit. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *