Lambanog pasok sa Top 10 Best Spirit in the World ng Taste Atlas
Napasama ang Filipino coconut wine na Lambanog sa Top 10 Best Spirit in the World na inilabas ng Taste Atlas.
Nasa pang-sampu ang Lambanog sa top 50 na listahan ng Taste Atlas.
Inilarawan ang Lambanog bilang tradisyunal na likha sa lalawigan ng Quezon.
Ang Reposado tequila mula sa Mexico naman ang itinanghal na World’s Best Spirit.
Kamakailan, kinilala din ng Taste Atlas ang “bibingka” na kabilang sa World’s Best Cakes.
Habang ang “turon” at “maruya” ay kapwa nakapasok din sa 50 best deep-fried desserts. (DDC)