BREAKING: Calayan, Cagayan niyanig ng magnitude 5.7 na lindol
Tumama ang magnitude 5.7 na lindol sa lalawigan ng Cagayan.
Ang pagyanig ay naitala ng Phivolcs sa layong 20 kilometers northwest ng Dalupiri Island sa bayan ng Calayan, 7:32 ng umaga ng Huwebes, Mar. 23.
43 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Sa inisyal na impormasyon ng Phivolcs ay naitala ang sumusunod na Instrumental Intensities:
Intensity III
– Pasuquin, ILOCOS NORTE
– San Antonio, ZAMBALES
Intensity II
– Laoag City, ILOCOS NORTE
– Narvacan, ILOCOS SUR
– Ilagan, ISABELA
Intensity I
– Penablanca at Gonzaga, CAGAYAN
– Batac, ILOCOS NORTE
– Sinait, ILOCOS SUR
– Santol, LA UNION
Ayon sa Phivolcs posibleng makapagtala ng aftershocks bunsod ng naturang pagyanig. (DDC)