FB page ng MPD director na napasok ng hacker, nabawi na

FB page ng MPD director na napasok ng hacker, nabawi na

Na-recover na ang Facebook Page ni Manila Police District (MPD) Director PBGen. Andre Dizon na una nang napasok ng mga hacker.

Nagpasalamat ang pamunuan ng MPD sa Anti Cybercrime Group (ACG) sa pagtulong upang agad ma-recover ang FB page.

Sinabi ng MPD na naging mabilis ang aksyon ng ACG kaya hindi na tumagal pa ang insidente.

“We are pleased to inform you that our Facebook page, which was recently hacked, has now been successfully recovered. We would like to express our heartfelt gratitude to the Anti Cybercrime Group (ACG) for their dedicated efforts in helping us regain control of our page,” ayon sa pahayag ng MPD.

Sa FB Page ni Dizon nagbabahagi ng mga accomplishment ng MPD sa araw-araw.

Ibinabahagi din dito ang mga dinadaluhang aktibidad ng naturang district director. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *