Pag-export ng Davao Durian patungong China sisimulan na ngayong taon
Handa na ang Department of Agriculture (DA) na simula ang pag-export ng Davao Durian sa China.
Kasunod ito ng fruit export deal na nakuha ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang state visit sa China.
Ayon sa DA, sisimulan ngayong taon ang annual export ng tinatayang 54,000 metric tons ng Davao durian patungong China.
Sinabi ng DA na pinaigting na ang produksyon ng Durian para makamit ang high demands.
Kabilang sa mga private durian growers na pagkukuhanan ng produktong dadalhin sa China ay ang Davao City-based Eng Seng Food Products at Belviz Farms.
Ayon kay Eng Seng Food Products CEO John Tan, target nilang makapag-export ng 300 hanggang 500 container vans ng durian ngayong taon.
Kabilang sa durian varieties na dadalhin sa China ay ang Puyat, Duyaya, at D101. (DDC)