P6.4M na halaga ng pondo inilaan ng BFAR para sa mga mangingisdang apektado ng oil spill

P6.4M na halaga ng pondo inilaan ng BFAR para sa mga mangingisdang apektado ng oil spill

Naglaan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng P6.4 million na pondo para matulungan ang mga mangingisda at kanilang pamilya na apektado ng fishing ban sa mga lugar na napinsala ng oil spill.

Ayon sa pahayag ng BFAR, ang nasabing halaga ay ilalaan para sa livelihood at relief assistance sa mga mangingisda at kanilang pamilya.

Kabilang sa tulong ang P1.5 million na halaga ng food packs na ibibigay ng DA-BFAR sa pamamagitan ng regional office nito sa MIMAROPA.

Tinatayang 5,000 pamilya sa Oriental Mindoro ang mapagkakalooban ng food packs.

Mayroon na ring inihahandang dagdag pang pondo para sa mga apektadong lugar.

Ayon sa datos ng DA-BFAR, mahigit 19,000 mangingisda ang nawalan ng pangkabuhayan dahil sa ipinatutupad na fishing ban. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *