Pag-iral ng Amihan, natapos na ayon sa PAGASA; panahon ng tag-init nagsimula na

Pag-iral ng Amihan, natapos na ayon sa PAGASA; panahon ng tag-init nagsimula na

Pormal nang idineklara ng PAGASA ang pagtatapos ng panahon ng Amihan at pagsisimula ng dry season sa bansa.

Ayon sa pahayag sinabi ni PAGASA Administrator Vicente Malano, natapos na ang High-Pressure Area sa bahagi ng Siberia na nagresulta sa paghina ng northeasterly winds at pagtaas naman ng air temperature sa malaking bahagi ng Pilipinas.

Umiral na din ang easterly.

Ayon sa PAGASA, indikasyon itong natapos na ang pag-iral ng Northeast Monsoon (Amihan) at nagsimula na ang warm at dry season.

Inaasahang tatagal hanggang sa buwan ng Mayo ang panahon ng tag-init.

Sa mga susunod na buwan sinabi ng PAGASA na aasahan ang mainit na temperatura at ang mga mararanasang pag-ulan ay dulot na ng easterlies at localized thunderstorms.

Pinapayuhan ang publiko na maging maingat sa heat stress at magtipid sa paggamit ng tubig. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *