Bagong ruta ng Libreng Sakay ng Office of the Vice President, inilunsad
Pormal nang inilunsad ng Office of the Vice President (OVP) ang bagong ruta ng Libreng Sakay Program nito.
Nagsimula nang bumyahe ang dalawang bus sa rutang Commonwealth-Quiapo.
Mula sa Doña Carmen babyahe ang mga bus sa Commonwealth Avenue, Quezon City hanggang Quiapo Church sa Maynila at vice versa.
Ang dalawang bagong bus ay dagdad sa kasalukuyang dalawang bus ng OVP na bumibayeh sa byaheng Edsa Carousel.
Mayroon ding isang bus ang OVP sa Davao City, isang sa Cebu City, at isang sa Bacolod City.
Sa datos ng Local Affairs and Special Projects Division OVP hanggang noong March 19, 2023, nakapagsilbi na ang programa sa kabuuang 337,673 katao sa 5,852 na biyahe sa buong bansa.
Layunin ng Libreng Sakay Program na tulungan ang commuting public sa kanilang pang-araw-araw na pag-biyahe papunta sa trabaho, sa paaralan, at iba pang lugar. (DDC)