MT Princess Empress natagpuan na gamit ang Remotely Operated Vehicle
Natagpuan na ng Remotely Operated Vehicle (ROV) HAKUYO ang lumubog na MT Princess Empress sa karagatan ng Oriental Mindoro.
Matapos ang isinagawang boarding formalities, agad na pinuntahan ng Dynamic Positioning Vessel (DPV) SHIN NICHI MARU ang ground zero sa Naujan.
Inilunsad ang ROV HAKUYO na kayang sumisid hanggang 2,000 metro.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) ang eksaktong lokasyon ng lumubog na barko ay sa layong 7.7 NM mula sa Balingawan Point, Naujan.
Muling magpupulong ang provincial government, Philippine Coast Guard (PCG), insurance company, ship owner, at Harbor Star Shipping Services Inc. para mailatag ang mga susunod na aksyon ukol sa lumubog na motor tanker. (DDC)