Pabahay para sa mga pulis at sundalo siniguro ni Pang. Marcos
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng pabahay para sa mga uniformed personnel.
Ayon sa pangulo inumpisahan na ang paglalatag ng programa para sa pabahay sa mga pulis at mga sundalo.
Inihayag ito ng pangulo sa pulong na idinaos sa Malakanyang kasama sina Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Andres Centino, Human Settlements Secretary Jose Acuzar at Cavite Gov. Jonvic Remulla.
Ayon sa pangulo, mayroong sapat na lupa para sa proyekto at kasalukuyang itinatakda na ang sistema upang maisama ang mga tauhan ng PNP at AFP sa financing system kasama ang pampubliko at pribadong mga bangko. (DDC)