Nakatatanda at PWD na PDLs sa Iwahig Prison and Penal Farm tumanggap ng ayuda mula sa DSWD

Nakatatanda at PWD na PDLs sa Iwahig Prison and Penal Farm tumanggap ng ayuda mula sa DSWD

Umabot sa kabuuang 221 na senior citizens at differently-abled Persons Deprived of Liberty (PDL) sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Iwahig, Puerto Prinsesa ang nakatanggap ng tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Pinangunahan ng DSWD Team buhat sa Palawan sa pangunguna ni Ginoong Eric Aburot ang pamamahagi ng assistance na P1,500 halaga ng grocery items tulad ng canned goods, instant noodles, rice, biscuits at ibang mahahalagabg gamit gaya ng undergarments at slippers, at ibang basic commodities tulad ng shampoo, toothpaste, at bath soaps sa bawat kuwalipikadong PDL.

Bago ang distribusyon, isinagawa ng DSWD ang pre-assessment activity sa mga kuwalipikadong benepisyaryo noong Marso 9 at 10 sa apat na sub-colonies ng IPPF.

Ang mahalagang hakbang ay nagibv matagumpay sa tulong ng IPPF Senior Citizen and Differently-Abled Committee na pinamumunuan ni CTCInsp Ruth B. Algones, MD, Chief IPPF Hospital sa koordinasyon at kolaborasyon ng DSWD sa joint activity para sa kapakinabangan ng PDL na nakaratay sa IPPF.

Nagpasalamat naman si Acting Director General, Gen. Gregorio Pio Catapang Jr., AFP (Ret.), CESE, sa pamamagitan ni IPPF Superintendent, C/CInsp Gary A. Garcia sa pag-ayuda ng DSWD na malaking tulong sa mga PDL. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *