Las Piñas Sanggunian, nagsagawa ng 32nd regular session
Isinagawa ng Sangguniang Panlungsod ng Las Pinas ang kanyang ika-32 na regular na sesyon nitong Marso 20.
Masusing tinalakay ang ilang prayoridad na hakbang at mga kaganapan na kinabibilangan ng naka-endorsong pagbuo ng mga plantilla positions para sa City General Services Office and Estate Management Office.
Bukod pa rito ang posibleng pag-aapruba sa pagbuo ng Office of the City Cooperatives Development Officer, at realignment ng Disaster Risk Reduction Management Fund Investment Plan.
Dumalo sa sesyon si City Vice Mayor at Presiding Officer April Aguilar, kasama ang mga konsehal na sina Councilors Danilo V. Hernandez, Mark Anthony Santos, Oscar C. Peña, Filemon C. Aguilar III, Lord Linley R. Aguilar, John Jess C. Bustamante, Emmanuel Luis C. Casimiro, Florante S. Dela Cruz, Henry C. Medina, Rex H. Riguera, Liga ng mga Barangay President Roberto H. Cristobal, at SK Federation President Rachelle R. Dela Peña. (Bhelle Gamboa)