Single ticketing system ng MMDA suportado ni Ormoc Mayor Gomez
Dinaluhan ng mga alkalde ng iba’t ibang lungsod sa bansa ang “Sustainability Enablers: Cities Achieving the Sustainable Development Goals (SDGs)” event ng Department of Interior and Local Government (DILG) ngayong araw.
Nagpahayag ng suporta si Ormoc City Mayor Lucy Torres-Gomez sa ipatutupad na single ticketing system ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Mayor Gomez, umaasa siya na mare-replicate ang single ticketing system sa lahat ng siyudad at munisipalidad sa bansa.
Umaasa rin ang alkalde na hindi aabot sa 28 taon ang pagpasa ng polisiya dahil para aniya ito sa kapakinabangan ng lahat.
Bilang tugon, sinabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes na kasama sa vision ni DILG Secretary Benhur Abalos na mai-apply ang single ticketing system hindi lamang sa NCR kundi sa buong Pilipinas. (Bhelle Gamboa)