Mga aktibidad sa idinaos na “Araw ng Dabaw” naging payapa sa pangkalahatan

Mga aktibidad sa idinaos na “Araw ng Dabaw” naging payapa sa pangkalahatan

Naging matagumpay at payapa sa pangkalahatan ang pagdiriwang ng “Araw ng Dabaw” sa Davao City.

Ayon kay City Tourism Operations Office (CTOO) Officer-in-Charge Jennifer Romero natapos ng maayos ang mga aktibidad bunsod ng pagtutulungan ng mga ahensya at departamento ng city government.

Sentro ng pagdiriwang para sa Araw ng Dabaw ang Reyna Dabawenya na ginanap noong March 15, Mr. and Ms. LGU noong March 16, Mutya ng Dabaw Coronation Month noong March 17 at ang Parada Dabawenyo at Bands Clash noong March 18.

Ito ang unang pagkakataon na ginawa muli ng face-to-face ang Parada Dabawenyo simula nang magkaroon ng pandemya ng Covid-19.

Tinatayang umabot sa 25,000 na katao ang nagtipon-tipon sa nasabing aktibidad.

“We are hoping that this will be a turn, a start of recovery, and of course, with all the face-to-face events of Davao city, of all the events and other big conventions, of course, the economic recovery will also be starting to increase so this would be a vital sign that we are already in the new stage and this will be a greater and exciting year for us, the entire Davao City,” ani Romero. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *