Mahigit 20,000 pamilya na ang apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro
Umabot na sa mahigit 100,000 indibidwal ang apektado ng oil spill sa lalawigan ng Oriental Mindoro.
Sa datos na inilabas ng Provincial Information Office ng Oriental Mindoro, kabuuang 104,660 na katao o katumbas ng 20,932 na pamilya ang apektado ng pinsala ng oil spill.
Sampung munisipalidad sa sa lalawigan ang apektado kabilang ang mga bayan ng Naujan, Pola, Pinamalayan, Gloria, Bansud, Bongabong, Roxas, Mansalay, Bulalacao, at Calapan.
Siyam sa mga nabanggit na munisipalidad ang mayroon nang deklarasyon ng state of calamity.
Sa mga baybaying dagat naman, apektado ang 11 baybayin sa Pola, at tig-iisang baybayin sa Bulalacao, Naujan, at Calapan.
Habang may patches din ng oil spill sa coastal water sa mga barangay iba pang mga bayan. (DDC)