Sa ikaanim na sunod na taon, Finland itinanghal na “World Happiest Country”

Sa ikaanim na sunod na taon, Finland itinanghal na “World Happiest Country”

Napanatili ng bansang Finland ang titulo bilang “World Happiest Country” sa ikaanim na sunod na taon.

Ayon sa World Happiness Report 2023, nananatiling nasa number 1 spot ang Finland, kasunod ang Denmark sa pangalawa at ang Iceland sa pangatlo.

Nasa number 4 naman ang Israel, panglima ang Netherlands.

Ang iba pang bansa na bumuo sa top 10 ay ang Sweden, Norway, Switzerland, Luxembourg at New Zealand.

Nasa pang-76 na puwesto ang Pilipinas.

Ang Afghanistan naman ang nasa pinakahuling bilang na pang-137.

Ang report ay binuo ng mga scientist sa US at ibinase sa survey ng Gallup Institute kung saan tinanong ang mga respondent kung gaano sila ka kuntento sa kanilang pamumuhay. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *