Mga motoristang lumabag sa exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Ave. sa QC mahigit 14,000 na

Mga motoristang lumabag sa exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Ave. sa QC mahigit 14,000 na

Umabot na sa 14,563 ang mga motorista na nasita ng mga otoridad sa nagpapatuloy na dry run para sa exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Ang nasabing bilang ay mula noong March 9 hanggang March 20.

3,373 dito ang motorcycle riders at 11,190 naman na four-wheel vehicles.

Noong Lunes, Mar 20 na ika-12 araw ng pagpapatupad ng dry run, umabot sa 363 na motorsiklo at 1,507 na four-wheel vehicles ang nasita.

Ang mga lumalabag ay binibigyan lamang muna ng warning at hindi pa iniisyuhan ng violation ticket.

Una nang nagpasya ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na palawigin pa ng isang linggo ang dry run ng exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue para bigyan-daan ang isinasagawang road patch works ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa nasabing kalsada.

Ang eksklusibong linya para sa mga motorsiklo ay mula sa Elliptical Road hanggang Doña Carmen at vice versa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *