Salvage rescue ship ng Japan dumating na sa Oriental Mindoro

Salvage rescue ship ng Japan dumating na sa Oriental Mindoro

Dumating na sa Oriental Mindoro ang salvage rescue ship ng Japan na may lulang Remotely Operated underwater Vehicle (ROV).

Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA) dumating sa Calapan Port ang Japanese Dynamic Positioning Vessel (DPV) na SHIN NICHI MARU pasa 6:00 ng umaga ng Lunes (Mar. 20).

Pagkatapos maiproseso ng mga tauhan ng Coast Guard, PPA, Bureau of Quarantine, Bureau of Immigration, at Bureau of Customs ay agad dumeretso ang barko paputang bayan ng Naujan.

Ang ROV ay gagamitin para makita ang eksaktong lokasyon at sitwasyon ng lumubog na MT Princess Empress.

Ang naturang salvage rescue ship ay inupahan ng may-ari ng MT Princess Empress para makatulong na maawat na ang pagtagas ng langis mula sa lumubog na tanker. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *