Pag-iral ng Amihan matatapos na ngayong linggo – PAGASA
Matatapos na ngayong linggo ang pag-iral ng Northeast Monsoon o Amihan sa bansa.
Ayon kay PAGASA weather specialist Obet Badrina, nangangahulugan itong papalapit na ang panahon ng tag-init.
Magiging maaliwalas naman ang panahon ngayong araw at makararanas lamang ng localized thunderstorms sa malaking bahagi ng Luzon sa hapon o gabi.
Isolated na pag-ulan lamang ang mararanasan sa Visayas habang sa Mindanao ay parehong panahon ang iiral.
Ayon kay Badrina, maliit ang tsansa na magkaroon ng bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa loob ng isang linggo.
Wala namang nakataas na gale warning saanmang baybaying dagat ng bansa kaya maaaring makapaglayag maging ang maliliit na sasakyang pandagat. (DDC)