Mahigit 6,800 na litro ng oily water mixture nakulekta sa karagatan sa nagpapatuoloy na oil spill response ng PCG

Mahigit 6,800 na litro ng oily water mixture nakulekta sa karagatan sa nagpapatuoloy na oil spill response ng PCG

Umabot na sa mahigit 6,800 na litro ng oily water mixture at 65 sako ng oil contaminated materials ang nakulekta sa nagpapatuloy na oil spill response ng Philippine Coast guard (PCG) sa Oriental Mindoro.

Ang nasabing bilang ayon sa PCG ay ang mga nakulektang contaminated materials at oil water mixture sa karagatan.

Simula noong March 1 hanggang March 18 sinabi ng PCG na umabot na sa 1,898 na sako ng oil contaminated materials at 22 drum ng oil water mixture ang nakulekta sa mga apektadong apektadong baybayin.

Patuloy ang ginagawang shorline response at offshore response ng Coast Guard sa mga apektadong barangay ng Naujan, Bulalacao, at Pola sa Oriental Mindoro. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *