Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.5 na lindol
Tumama ang magnitude 4.5 na lindol sa lalawigan ng Davao Occidental.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 362 kilometers southeast ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani.
May lalim na 66 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito magdudulot ng aftershocks. (DDC)