Mga suspek sa pagpatay kay Degamo ipasasailalim sa Blue Notice ng Interpol
Hihilingin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa International Criminal Police Organization (INTERPOL) na maglabas ng Blue Notice laban sa mga suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Ayon kay Department of Justice (DOJ) spokesperson Mico Clavano, pinagpag-usapan na ang paglagay ng mga suspek sa blue list ng Interpol.
Sa ilalim ng Blue Notice nakasaad ang pagkulekta ng dagdag na mga impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan, lokasyon o aktibidad ng isang tao kaugnay sa isinasagawang criminal investigation.
Gamit ang Blue Notice ay mapapayagan aniya ang gobyerno na i-monitor ang galaw ng mga respondents.
Ani Clavano, nasampahan na ng kaso ang apat na gunmen na naaresto malapit sa pinangyarihan ng krimen.
Mayroon pang 10 katao na iniimbestigahan ang mga otoridad. (DDC)