OVP muling naghatid ng tulong sa mga nabiktima ng sunog sa Davao City

OVP muling naghatid ng tulong sa mga nabiktima ng sunog sa Davao City

Muling nagbigay ng tulong ang Office of the Vice President sa mga nabiktima ng Sunog sa Davao City.

Ang relief goods na ipinamahagi ang third tranche na ng relief operations sa mga residenteng apektado ng nangyaring sunog noong February 25.

Mahigit 963 na pamilya ang nakatanggap ng tulong kung saan 623 sa kanila ang mula sa Barangay 21-C at 360 naman ang mula sa Barangay 22-C.

Ayon sa Davao City Social Welfare and Development Office, mayroon pa ring mga apektadong residente na kasalukuyang nanunuluyan sa mga evacuation centers sa Barangay 21-C Gym and Barangay 22-C Covered Court.

Dalawang araw mula nang mangyari ang sunog, ipinaabot ng OVP sa pamamagitan ng Disaster Operations Center (OVP-DOC) at OVP Davao Satellite Office ang first tranche ng relief operations.

Nagsagawa din ang OVP ng 1-week complete meal feeding program sa mga apektadong residente.

Ang pangalawang tranche ng relief operations ay ipinaabot sa mga apektadong residente noong March 10. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *