Japanese vessel lulan ang Remotely Operated Vehicle na gagamitin sa paghanap sa MT Princess Empress darating na sa bansa

Japanese vessel lulan ang Remotely Operated Vehicle na gagamitin sa paghanap sa MT Princess Empress darating na sa bansa

Siniguro ng Philippine Coast Guard (PCG) Crisis Management Committee na mabilis na makapapasok ng bansa ang barko ng Japan na lulan ang Remotely Operated Vehicle (ROV).

Ang ROV ay gagamitin para matukoy ang eksaktong lokasyon ng lumubog na MT Princess Empress sa karagatan ng Naujan, Oriental Mindoro.

Darating ito sa bansa sakay ng Japanese Dynamic Positioning Vessel (DPV) na SHIN NICHI MARU.

Sa pulong na isinagawa ng komite sa pamumuno ni PCG Deputy Commandant for Operations, CG Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan Jr, siniguro ang mabili sna proseso sa Customs, Immigration, at Quarantine, Security (CIQS) para sa naturang barko ng Japan.

Ayon kay Committee Vice-Chairman, CG Vice Admiral Ronnie Gil Gavan, kinuha ng RDC REIELD MARINE SERVICES ang serbisyo ng Japanese DPV para madala sa Pilipinas ang ROV.

Dumalo sa isinagawang pulong ang mga kinatawan ng Bureau of Customs (BOC), Bureau of Immigration (BI), at Bureau of Quarantine (BOQ).

Ito ay para isapinal ang ang mga plano upang masiguro ang mabilis at maayos na proseso pagdating sa bansa ng barko.

Sa March 20 inaasahang darating sa Naujan ang barko. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *