1,400 na indibidwal na naapektuhan ng sunog sa Baguio City Market, tumanggap ng tulong mula sa DSWD

1,400 na indibidwal na naapektuhan ng sunog sa Baguio City Market, tumanggap ng tulong mula sa DSWD

Namahagi ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Cordillera sa mga naapektuhan ng sunog sa palengke sa Baguio City.

Aabot sa 1,400 beneficiaries ang tumanggap ng P10,000 na cash sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation ng ahensya.

Ayon kay DSWD-CAR Regional Director, Leo Quintilla, pinag-aaralan na rin ng ahensya ang posibilidad na makapagbigay ng livelihood assistance sa mga naapektuhan ng sunog.

Ito ay sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD base na rin sa utos ni Sec. Rex Gatchalian.

Ang Baguio City Market ay tinupok ng apoy noong March 11, 2023. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *