DepEd nagpaalala hinggil sa Hand, Foot, and Mouth Disease
Naglabas ng paalala ang Department of Education (DepEd) kaugnay sa banta ng Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD).
Ayon sa DepEd, isa itong common viral illness sa mga sanggol at bata at iba sa FMD na tumatama sa hayop.
Sinabi ng DepEd na mabilis makahawa ang ng sakit sa unang linggo ng pagtama nito.
Umaabot ng 2 hanggang 24 na araw ang incubation period ng HFMD.
Ayon sa DepEd kabilang sa mga sintomas ng sakit ang lagnat, pananakit ng lalamunan o sore throat, hindi magandang pakiramdam, masakit at mapulang singaw sa bibig at gilagid at loob ng pisngi, mapulang rashes, pagiging iritable, at kawalan ng gana sa pagkain. (DDC)