Zambales niyanig ng magnitude 4.7 na lindol; pagyanig naramdaman sa ilang bahagi ng Metro Manila
Tumama ang magnitude 4.7 na lindol sa lalawigan ng Zambales.
Ayon sa Phivolcs, ang pagyanig ay naitala sa layong 14 kilometers northeast ng Masinloc, Zambales 12:21 ng tanghali ng Huwebes, Mar. 16.
May lalim na 22 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang Intensity III sa Quezon City at Intensity II sa Baguio City.
May mga nagbahagi din ng sa social media na naramdaman nila ang pagyanig sa Pangasinan, Quezon, Tarlac, Bataan, Olongapo, Marikina, Pasay, Pampanga at iba pang mga lugar. (DDC)