Alert status ng Mt. Mayon ibinaba na sa Level 1 ng Phivolcs
Ibinaba na sa Level 1 o “low level of unrest” ng Phivolcs ang alert status ng Bulkang Mayon.
Ayon sa Phivolcs sa simula noong Enero 2023, nakitaan ng “steady decline” sa mga aktibidad ng bulkan.
Kabilan dito ang pagbaba ng naitatalang volcanic earthquakes na umaabot na lamang sa 0 to 1 kada araw simula unang linggo ng Disyembre 2022.
Sa ilalim ng Alert Level 1, sinabi ng Phivolcs na bawal pa ring pasukin ang 6-km Permanent Danger Zone ng bulkan. (DDC)