Suplay ng isda sa Holy Week sapat ayon sa BFAR
Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na sapat ang magiging suplay ng isda sa bansa para inaasahang pagtaas ng demand nito dahil sa Holy Week.
Sinabi ito ni BFAR spokesperson Nazario Briguera, nagkaroon ng pagkakataon para sa reproduction ng mga isda sa ipinatupad na close season para sa isang fish species upang maparami ang mga ito.
Aminado naman si Briguera na maaaring maapektuhan ang local fish production partikular sa mga lugar na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Sa mga lugar aniyang apektado ng oil spill, maaaring magkaroon ng mas mababang suplay ng isda.
Gayunman, sinabi ng opisyal na hindi ito magdudulot ng malawakang shortage sa suplay. (DDC)