Barko na sumadsad sa Lubang Island hindi pa rin naiaalis makalipas ang dalawang linggo

Barko na sumadsad sa Lubang Island hindi pa rin naiaalis makalipas ang dalawang linggo

Lampas dalawang Linggo nang nananatili sa baybaying dagat ng bayan ng Lubang Island, Occidental Mindoro ang MV Manfel Carrier V.

Ito ay matapos na masiraan ang barko dahilan upang mapadpad ito sa baybayin ng nasabing bayan.

Dahil dito, nagpahayag ng pagkabahala si Lubang Municipal Mayor Michael Orayani na maaaring magdulot ng patuloy na pagkasira ng mga coral reefs ang sumadsad na barko.

Una nang sinabi ng alkalde na natatamaan ng barko ang coral reefs sa lugar at may posibilidad na magdudulot pa ito ng oil spill sa sandaling magkaroon ng butas ang barko dahil sa malalakas na hampas ng alon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *