Magnitude 5.3 na lindol naitala sa Sarangani, Davao Occidental

Magnitude 5.3 na lindol naitala sa Sarangani, Davao Occidental

Nakapagtala ng magkasunod na may kalakasang pagyanig sa bayan ng Sarangani sa lalawigan ng Davao Occidental.

Unang naitala ng Phivolcs ang magnitiude 5.3 na pagyanig sa 181 kilometers southeast ng Sarangani Island, 5:25 ng umaga ng Huwebes (Mar. 16).

May lalim na 6 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Don Marcelino, Davao Occidental at sa Malungon, Sarangani.

Naitala naman ang magnitude 4.0 na lindol sa Balut Island, Sarangani 5:49 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, 31 kilometers naman ang lalim ng lindol at tectonic din ang origin. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *