OFW personal remittances umabot sa US$3.1 billion noong Enero 2023
Umakyat sa US$3.1 billion ang naitalang personal remittances ng mga Overseas Filipinos (OFs) noong buwan ng Enero taong kasalukuyan.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ito ay 3.5 percent na mas mataas kumpara sa US$2.97 billion na remittance noong Enero 2022.
Ang pagtaas ng personal remittances ay dahil sa mas mataas na padala ng mga land-based workers na mayroong work contract na 1 taon o higit pa at sea-and-land based workers na mayroong work contracts na mas mababa sa isang tan.
Ito na rin ang ikapitong sunod na buwan na nakapagtala ng mataas na OFW remittance.
Tumaas din ng 3.5 percent o umabot sa US$2.76 billion ang naitalang cash remittance na ipinadaan sa mga bangko.
Malaking naiambag sa pagtaas ng cash remittances ang mula sa US, Saudi Arabia, Singapore at Japan. (DDC)