P5M na halaga ng pondo inilaan sa pagsasaayos ng Provincial Sports Complex sa Oriental Mindoro para sa gaganaping Provincial Meet

P5M na halaga ng pondo inilaan sa pagsasaayos ng Provincial Sports Complex sa Oriental Mindoro para sa gaganaping Provincial Meet

Pinaghahandaan na ng Pamahalaang Panlalawigan ang gaganaping Provincial Meet sa susunod na buwan.

Sa April 25 ay gagamiting venue ang Provincial Sports Complex na matatagpuan sa Barangay Santiago, Naujan.

Personal na nagtungo si Provincial Engineer Edylou Tejido kasama ang SanLahi Group of Builders at Winkonstruction Enterprise sa Provincial Sports Complex na matatagpuan sa limang ektaryang lupa sa Barangay Santiago, Naujan.

Ito ay upang inspeksyunin ang mga idadagdag na pasilidad na nagkakahalaga ng P5 milyon.

Kabilang sa mga madadagdag na pasilidad ay dalawang Basketball Pavement, isang Tennis Court, dalawang comfort room, isang generator set house, torch, isang malaking flagpole, dalawang medium size na flagpole at walong small size na flagpole.

Dagdag pa dito ay gagawin din ang P2 milyong Tennis Court Perimeter Fence.

Tinatarget namang matapos ang mga karagdagang pasilidad bago sumapit ang Abril 25 kung kailan nakatakdang ganapin ang Provincial Meet. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *