Mga kagamitan ng Japan Disaster Response team inihatid ng Coast Guard sa Oriental Mindoro

Mga kagamitan ng Japan Disaster Response team inihatid ng Coast Guard sa Oriental Mindoro

Inihatid ng BRP Corregidor ang 5.1 tonelada na kagamitan ng Japan Disaster Response (JDR) team na gagamitin sa pagresponde sa oil spill sa Oriental Mindoro.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ang mga kagamitan ay binubuo ng oil spill response workwear, masks, oil-proof working gloves, oil-proof rubber boots, oil blotter, at oil snare.

Sumakay naman ang JDR team sa BRP Bagacay (MRRV-4410) at nagsimula na sa pagsasagawa ng ocular inspection sa karagatan ng Naujan, Oriental Mindoro.

Ang team ng mga eksperto mula sa Japan ay dumating sa bansa para umasiste sa PCG sa pinsala ng oil spill na dulot ng paglubog ng MT Princess Empress. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *