TINGNAN: Holy Week schedule ng MRT-3 at LRT-2
Suspendido ang operasyon ng mga linya ng tren sa Metro Manila sa darating na Holy Week.
Sa abiso ng pamunuan ng MRT-3, walang biyahe ang kanilang mga tren simula sa April 6 (Huwebes Santo) hanggang sa Appril 9 (Linggo ng Pagkabuhay).
Ito ay para bigyang-daan ang taunang Holy Week maintenance activities ng MRT-3.
Sa hiwalay namang abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), suspendido din ang biyahe ng LRT-2 sa parehong petsa na April 6 hanggang 9.
Sa April 5 naman, Miyerkules Santo, magpapatupad ng shortened operations sa LRT-2.
Ang huling biyahe ng mga tren sa Antipolo at Recto ay 7:00 ng gabi.
Ayon kay LRTA Administrator, Atty. Hernando Cabrera, ang apat na araw na shutdown ay magbibigay-daan sa LRTA para makapagsagawa ng maintenance sa kanilang mga tren, istasyon at pasilidad. (DDC)