LPA sa Surigao del Sur magpapaulan sa Mindanao
Makararanas ng pag-ulan ngayong araw sa Mindanao dahil sa Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 340 kilometers Southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur o sa layong 320 kilometers East Southeast ng Davao City.
Sa weather forecast ng PAGASA, ang LPA ay magdudulot ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw sa buong Mindanao.
Maulap na papawirin na may pag-ulan din ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Aurora dahil sa Northeast Monsoon o Amihan.
Makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan ang mararanasan sa Visayas dahil sa LPA at localized thunderstorms.
Sa Metro Manila naman at sa nalalabing bahagi ng Luzon, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang iiral dahil din sa Amihan. (DDC)