P40.8M na halaga ng ‘shabu’ nakumpiska sa dayuhang pasahero sa NAIA

P40.8M na halaga ng ‘shabu’ nakumpiska sa dayuhang pasahero sa NAIA

Pinigil ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) at Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang isang pasaherong Malagasy national matapos mahulihan ng anim na kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P40,800,000 sa kanyang bagahe sa NAIA.

Ayon sa report dumaan sa X-Ray machine ang bagahe ng naturang pasahero na hindi binanggit ang pangalan kung saan napansin ang kakaibang imahe sa monitor.

Dahil dito agad na isinailalim sa pagsusuri ng Customs examiners ang naturang bagahe kung saan nadiskubre sa pinakailalim nito ang nakasingit na umano’y ilegal na droga.

Dumating sa airport ang dayuhan sakay ng Ethiopian Airlines flight ET644 mula Hong Kong at ang kanyang pinanggalingan o port of origin ay sa Madagascar, East Africa.

Nagsasagawa ng follow-up investigation ang PDEA habang nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dayuhang suspek. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *