P10K tulong-pinansyal ibibigay sa mga OFW na naapektuhan ng nagsarang kumpanya sa Saudi
Bibigyan ng P10,000 tulong-pinansyal ang mga OFW na hindi nabayaran ng kanilang kumpanya na nagsara sa Saudi Arabia.
Ang tulong-pinansyal ay sa pagututulungan ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ibibigay ang P10,000 halaga ng humanitarian aid para sa mga OFW na nagtrabaho sa ilang kumpanya sa Saudi Arabia na nagsara.
Ayon sa DMW ang mga Filipino worker na mayroong mga nakabinbing reklamo para sa mga hindi nabayarang sahod mula sa mga kumpanyang pang-konstruksyon sa Saudi Arabia na nagsara ng negosyo mula 2015 hanggang 2019 ang makikinabang sa nasabing tulong.
Aabot sa 10,000 na mga OFWs ang iniulat na apektado sa pagsasara. (DDC)