Camarines Norte niyanig ng magnitude 4.8 na lindol
Tumama ang magnitude 4.8 na lindol sa lalawigan ng Camarines Norte.
Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong 17 kilometers southeast ng Tinaga Island sa bayan ng Vinzons.
Naganap ang pagyanig 8:52 ng gabi ng Lunes, March 13.
May lalim na 10 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na Instrumental Intensities:
Intensity III
– Mercedes, Daet,CAMARINES NORTE
– Sipocot, CAMARINES SUR
Intensity II
– Ragay, CAMARINES SUR
Intensity I
– Polillo, and Guinayangan, QUEZON