17.21M Globe subscribers rehistrado na
Pumalo na sa 17.21 milyon o halos 20 porsiyento ng mga subscriber ng Globe Telecommunications ang nakapagrehistro na ng kanilang mga sim card base sa huling tala ng Department of Information and Communications Technology.
Ito’y pagkatapos ng halos tatlong buwan paggulong ng Sim Registration sa bansa kung saan minamandato na mairehistro ang lahat ng simcard sa bansa upang masugpo ang mga krimen gamit ang mga hindi rehistradong sim card.
Suportado ng kompaniya ang inisyatiba ng pamahalaan at hinimok ang lahat ng tagasubaybay ng Globe na magrehistro na ng kanilang mga sim card upang masiguro na ligtas sila mula sa mga krimen.
Kaugnay nito ay nagbukas ang Globe ng 54 bagong registration sa iba’t ibang probinsya mula Marso 7 hanggang 10, 2023, upang mas mapabilis ang sim registration ng mga tagasubaybay nito sa bansa.
Ito’y sa mga probinsya ng Apayao, Ilocos Norte, Isabela, Zambales, Laguna, Batangas, Occidental Mindor, Marinduque Palawan, Camarines Norte, Albay, Negros Occidental, Negros Oriental, Cebu, Leyte, Zamboanga del Norte, Zamboanga City, Misamis Oriental, Lanao del Norte, Davao del Sur, Sultan Kudarat, North Cotabato, Agusan del Norte, at Surigao del Norte.
Bukas ang mga registration booth sa mga persons with disability, mga buntis, senior citizens, at mga tagasubaybay ng Globe na may basic cellphone o walang koneksiyon sa internet.
Kinakailangan lamang na ihanda ang mga sumusunod na impormasiyon kapag bibisita sa mga registration booth: buong pangalan, araw ng kapanganakan, kasarian, adress, valid ID, at cellphone number.
Maaari rin namang magrehistro ang ibang tagasubaybay ng Globe online o sa Globe One Application.
Hanggang Abril 26, 2023 lamang ang sim registration sa bansa at ang mga sim card na hindi mairerehistro sa nasabing araw ay sapilitang ididisable ng Globe.
Pinagaaralan na rin naman ng DICT ang posibleng extension ng mga sim card sa bansa. (DDC)