1 patay sa paglubog ng tugboat sa Cebu
Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) District Central Visayas ang pagkasawi ng isang crew matapos ang lumubog ang isang tugboat sa Cebu.
Rumesponde ang mga tauhan ng PCG nang matanggap ang ulat sa insidenteng kinasangkutan ng LCT JANA JULIANA at MTUG NAGASAKA sa 200 yards south ng Colorado Shipyard.
Ayon sa PCG, hinihila ng tugboat na MTUG NAGASAKA ang Landing Craft Tank JANA JULIANA nang bumangga ang port bow ng Landing Craft sa tugboat.
Ang aksidente ay nagresulta sa paglubog ng tugboat dahilan para tumalon ang mga crew nito.
Idineploy ang San Agustin (MRRV-4408) agt Special Operations Group (SOG)-Central Visayas divers para magsagawa ng underwater search and rescue (SAR) operations sa kisang crew ng tugboat.
Ang mga lokal na magsasaka sa lugar ang nakakita sa wala nang buhay na katawan ng crew.
Samantala naglatag naman ng oil spill boom ang mga tauhan ng Marine Environmental Protection Unit-Central Visayas sa pinangyarihan ng aksidente dahil may kargang 60 liters ng diesel ang tanker.
Ayon naman sa PCG, bahagyang oil sheens lamang ang nakita sa karagatan. (DDC)