Japan Coast Guard nagpasalamat sa PCG sa pagsagip sa limang Japanese crew sa Oriental Mindoro

Japan Coast Guard nagpasalamat sa PCG sa pagsagip sa limang Japanese crew sa Oriental Mindoro

Nagpasalamat ang Japan Coast Guard (JCG) sa Philippine Coast Guard (PCG) sa pagsagip sa limang Japanese crew ng isang barko na nagkaproblema sa Calapan, Oriental Mindoro.

Sa liham na ipinadala ni JCG
Commandant, Admiral Shohei Ishii, ipinaabot nito ang pasasalamat sa PCG sa mabilis na pagresponde upang masigurong ligtas ang mga crew ng MV Catriona.

Ang liham ay naka-address kay PCG Admiral Artemio Abu.

Ang Japan Coast Guard ay kasalukuyan ding tumutulong sa Pilipinas sa pagresponde sa oil spill sa Oriental Mindoro.

Ayon sa Japanese official, ang crossover effort ng dalawang ahensya ay patunay ng pangmatagalan nang pagkakaibigan ng dalawang bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *