Mga residenteng apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro, linggu-linggong susuplayan ng food packs
Tiniyak ni Oriental Mindoro Gov. Bonz Dolor na linggu-linggo ng makatatanggap ng food packs ang mga pamilyang apektado ng oil spill sa lalawigan.
Nagpatawag ng pulong si Dolor sa mga alkalde ng mga apektadong bayan sa Oriental Mindoro kasama ang mga kinatawan mula sa Municipal Agriculture Office (MAgO), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Health Office (MHO) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Tinalakay sa pulong kung paanong mas mapagbubuti pa ang paghahatid ng tulong sa mga residente na nawalan ng hanapbuhay dahil sa oil spill.
Sinabi ng gobernador na nais niyang iparehistro ng lahat ng mangingisda ang kanilang mga bangka.
Sa ngayon ay nasa 19,556 ang kabuuang bilang ng mga nasa listahan na mabibigyan ng tulong.
Tiniyak din ni Dolor na gagawing weekly ang pamamahagi ng food packs sa mga residenteng naapektuhan ng oil spill. (DDC)